Publiko, maaari pang harangin ang pag-upo ni Guanzon sa Kongreso

Publiko, maaari pang harangin ang pag-upo ni Guanzon sa Kongreso

MAY natitira pang paraan para mapigilan ang pag-upo ni retired COMELEC Commissioner Rowena Guanzon bilang kongresista.

Ito’y matapos aprubahan ng COMELEC en-banc ang substitution of nominees ng P3PWD Party-list.

At para makaupo si Guanzon, nag-resign ang 5 nominees ng party-list para makapasok siyang first nominee.

Ngunit ayon kay COMELEC spokesperson Rex Laudiangco, pwedeng harangin ng taumbayan ang pag-upo ni Guanzon.

Aminado naman si Laudiangco na posibleng maabuso ang party-list substitution sa kaso ni Guanzon.

Ngunit may safeguards aniya dito ang batas at ibabatay ng poll body ang kanilang desisyon batay sa nakasaad sa batas.

 


Follow SMNI NEWS in Twitter