BINIGYANG-diin ng Skyway O&M Corporation batay sa social media post nito na libre ang Autosweep RFID stickers.
Sa post, sinabi nito na kinakailangan lang mag load ng inisyal na 200 pesos para sa Class 1; at 1 thousand pesos para sa Class 2 at 3 na sasakyan.
Hinihikayat nito ang publiko na agarang i-report sakaling may makita silang nagbebenta ng RFID sticker.
Maaaring tumawag sa numero na (02) 5318-8655.