IPINAALAM ng Philippine Space Agency (PhilSA) na maging maingat mula sa mga nahulog na rocket debris na makikita sa katubigan ng bansa.
Kasunod ito ng pagpapalipad ng Wenchang Space Launch Center sa Hainan Island, China ng kanilang long march rocket, 9 pm, Philippine time.
Tinatayang 71 km mula sa Burgos, Ilocos Norte at 52 km mula sa Sta. Ana, Cagayan ang drop zone.
Ayon sa PhilSA, huwag mag-atubiling i-report sa mga awtoridad kung may makikita itong lumulutang na mga parte ng rocket.
Binalaan din ito na huwag lumapit o hawakan ang makikitang parte ng pinalipad na rocket.