Publiko, pinag-iingat mula sa sinasabing “imported” mpox vaccines

Publiko, pinag-iingat mula sa sinasabing “imported” mpox vaccines

BINALAAN ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga organisasyon o indibidwal na nag-aalok ng imported mpox vaccines.

Binigyang-diin ng ahensiya, pumasok ang naturang mga bakuna sa bansa na wala silang kaalam-alam kung kaya’t hindi ito dumaan sa regulatory agencies gaya nila at ng Food and Drug Administration (FDA).

Ibig sabihin, hindi tiyak kung ligtas o mabisa ito para gamitin.

Mas mainam anila na antayin na lang ang iendorso nila na mpox vaccines.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble