Publiko, pinag-iingat sa kumakalat na video patungkol sa paggawa ng disinfectant gamit ang alak at bleach

PINAPAALALAHANAN ng Integrated Chemists of the Philippines (ICP) na huwag gayahin ang mga kumakalat na video sa social media hinggil sa paggawa ng disinfectant solution gamit ang bleach at alkohol.

Sa Facebook post ng ICP, nagbabala ito na makalilikha ng mapanganib na kemikal na tinatawag na chloroform kapag pinaghalo ang bleach at alkohol.

Pinapaalalahanan ng ICP ang lahat na huwag tularan o gayahin ang mga kumakalat na video sa social media na nagtuturo…

Posted by Integrated Chemists of the Philippines (ICP) on Tuesday, 24 March 2020

Ayon sa ICP, ang chloroform ay isang kemikal na nakalalason kapag nalanghap o naipahid ito sa balat.

Dagdag pa ng ICP, tanging ang mga taong may sapat at wastong pagsasanay lamang ang dapat magtimpla ng mga kemikal at hindi kung sino-sino lang.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.