Publiko, pinaghahanda matapos ang pagkatuklas ng bagong kaso ng Omicron BQ.1 sa bansa –DOH

Publiko, pinaghahanda matapos ang pagkatuklas ng bagong kaso ng Omicron BQ.1 sa bansa –DOH

MULING pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na maging handa matapos ang pagpasok ng bagong Omicron sublinage sa bansa na BQ.1 variant.

Maliban dito, hinihimok naman ng DOH ang publiko na magpabakuna na at magpaturok ng kanilang booster shots upang magkaroon ng karagdagang proteksyon mula sa bagong sublineages.

Sa ngayon, pinababantayan din ang lahat ng mga ospital sa buong bansa na magkaroon ng sapat na bed capacity upang maiwasan ang pagkalat ng naturang virus.

Follow SMNI NEWS in Twitter