Publiko, walang dapat ikabahala sa ipatutupad na community quarantine

WALANG dapat ikabahala ang publiko sa idineklara na community quarantine sa Metro Manila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang nilinaw ni PNP Acting Spokesperson Police Maj. Gen. Benigno Durana bunsod ng pangamba ng iba na mawala ang kanilang freedom of movement.

Ayon kay Durana, ang nasabing quarantine ay isang preventive measure lamang laban sa posibleng paglaganap ng virus.

Una ng pinangangambahan ng marami pang pagpapatupad ng lockdown sa Metro Manila na ipatutupad ng pulisya at militar.

Kaugnay nito, magpapalabas naman ani Durana ang PNP ng protocol upang maayos na maipapairal ang pagbabawal at pagpasok ng mga tao sa Metro Manila alinsunod sa ipatutupad ng nasabing quarantine.

Number coding sa Metro Manila, sinuspinde na ng MMDA

Sinuspinde na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding sa private at public vehicles sa Metro Manila simula ngayong araw, Marso 13, 2020.

Ito ang kinumpirma ni MMDA Assistant Secretary at Spokesperson Celine Pialago.

Mananatili naman ang suspensyon hanggang sa susunod na abiso ng MMDA.

Ang suspensyon ay bilang paghahanda sa isasagawang community quarantine ng pamahalaan sa Marso 15.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.