ISINAILALIM sa state of calamity ang Puerto Princesa City sa Palawan nitong Martes, Pebrero 11, 2025.
Dahilan dito ang malawakang pagbaha na nararanasan sa lugar dala ng shear line o ang salubungan ng mainit at malamig na hangin.
Dahil dito, maaari nang magamit ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMO) ang nasa P86M quick response fund para sa iba’t ibang disaster response operations.
Sa datos, nasa 3K na pamilya o 7.9K katao sa Puerto Princesa ang apektado ng mga pagbaha.
Follow SMNI News on Rumble