Puganteng akusado sa kaso ni Vhong Navarro, pinasusuko na ng NBI

Puganteng akusado sa kaso ni Vhong Navarro, pinasusuko na ng NBI

NANAWAGAN ang National Bureau of Investigation (NBI) sa isa pa sa mga akusado sa kasong isinampa ng TV host na si Vhong Navarro.

Partikular na nanawagan si NBI Director Medardo Delemos kay Ferdinand Guerrero at hinikayat ito na sumuko o sumurender na sa mga awtoridad.

Magugunitang hinatulan ng Taguig Regional Trial Court branch 153 na guilty behind reasonable doubt ang mga akusadong sina Deniece Cornejo, Cedric Lee, Ferdinand Guerrero, at Simeon Raz, Jr. kaugnay sa kasong serious illegal detention for ransom na inihain ni Navarro.

Sina Cornejo at Raz ay inaresto sa loob mismo ng hukuman matapos silang dumalo sa promulgation sa kaso.

Si Cornejo ay nakapiit sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City at si Raz naman ay agad na idiniretso sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Sumuko naman sa NBI si Lee na ngayon ay nakakulong na rin sa NBP pero patuloy pang hinahanap ng mga awtoridad si Guerrero.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter