GUMAMIT na naman ng long-range acoustic device (LRAD) ang mga pulis na rinig ang boses ni Torre habang nananalangin ang KOJC missionary workers.
Sa halos 2 linggong pananatili ng kapulisan sa loob ng KOJC compound, alam nilang nananalangin ang mga misyonaryo kada tatlong oras sa isang araw, ngunit tila balewala sa kanila ang ‘freedom of religion’ na nakasaad sa konstitusyon.
Kung maaalala, habang nananalangin ang mga misyonaryo noon, nagpakalat ng tear gas ang mga pulis.