UPANG maiwasan na magdulot ng takot o pangamba sa mga bata at mga guro, tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi sila papasok sa mga eskwelahan na kasali sa implementasyon ng limited face to face classes sa Metro Manila.
Tiniyak ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos na walang papasok na pulis sa mga eskwelahan na kasali sa limited face to face classes na magsisimula ngayong araw sa 28 public schools sa Metro Manila.
Ayon kay General Carlos, batid nito ang kanilang limitadong galaw sa mga eskwelahan pero kung hihilingin naman anila ng mga kasaling paaralan ang kanilang assistance, ay nakahanda silang magbigay ng seguridad sa loob at labas nito.
“The resumption of the face-to-face learning setup is not new anymore for us since other schools have already started this last November. We just have to follow the template and remind our police personnel to strictly limit themselves from going inside school premises unless there is a request for security assistance,” pahayag ni Carlos.
Nagpaliwanag rin ang PNP sa limitadong bilang ng kanilang personnel sa labas ng eskwelahan ito’y upang hindi maging sanhi ng takot ng mga bata sa lugar.
Ayon sa panuntunan ng Department of Education (DepEd) ng national policy framework on learners and schools as zones of peace (Department Order No. 32, s. 2019), maingat na ipinapaalala ng kagawaran ang pagbabawal sa anumang amadong grupo na pumasok o lumapit sa mga paaralan kung hindi naman kailangan.
National Policy Framework on Learners and Schools as Zones of Peace (Department Order No. 32, s. 2019).
“The policy clearly states that “Schools, as a general rule, should be free from the presence of armed combatants, whether they be from government forces or armed groups. Armed force protection units from government forces, if needed, shall be situated proximate to the school and not inside the school.”
Sa ngayon, bukod sa seguridad sa mga paaralan, nananawagan rin ang PNP sa mga magulang, at mga mag- aaral na ugaliing sundin ang minimum health protocol laban sa COVID-19 gaya ng pagsusuot ng facemask, physical distancing at palagiang paghuhugas ng kamay.
Nilinaw ng PNP na halos walang magbabago sa template ng police visibility sa mga pampublikong lugar lalo na sa mga eskwelahan mula nang umpisahan ng DepEd ang pagbubukas ng limited face to face classes sa mga piling lugar sa bansa na may mabababang kaso ng COVID-19.
Inatasan na rin nito ang lahat ng unit commanders ng National Capital Region para sa mahigpit na pagbabantay sa mga kalahok na paaralan sa Metro Manila.
Kabilang sa mga paaralan sa Metro Manila para sa face-to-face classes:
Andres Bonifacio Elementary School – Caloocan City
Bagumbong Elementary School – Caloocan City
Comembo Elementary School – Makati City
Santiago Syjuco Memorial Integrated Secondary School – Malabon City
Amado T. Reyes Elementary School – Mandaluyong City
Renato R. Lopez Elementary School – Mandaluyong City
Aurora A. Quezon Elementary School – Manila City
Ramon Q. Avancena High School – Manila City
St. Mary Elementary School – Marikina City
Tañong High School – Marikina City
Putatan Elementary School – Muntinlupa City
Tunasan National High School – Muntinlupa City
Bangkulasi Senior High School – Navotas City
Filemon T. Lizan Senior High School – Navotas City
Don Galo Elementary School – Parañaque City
La Huerta Elementary School – Parañaque City
Padre Zamora Elementary School – Pasay City
Ugong National High School – Pasig City
Pasig Elementary School – Pasig City
Bagong Silangan Elementary School – Quezon City
Payatas B Elementary School – Quezon City
Pedro Cruz Elementary School – San Juan City
Ricardo P. Cruz, Sr. Elementary School – Taguig City
Sen. Renato “Compañero” Cayetano Memorial Science & Technology High School – Taguig City
Roberta De Jesus Elementary School – Disiplina Village Bignay Extension – Valenzuela City
Tagalag Elementary School – Valenzuela City
Las Piñas National High School – Las Piñas City
National Senior High School – Manuyo Campus – Las Piñas City