Pulis na anak ng chinop-chop na sarhento sa kampo ng NCRPO, igaganti ang ama

Pulis na anak ng chinop-chop na sarhento sa kampo ng NCRPO, igaganti ang ama

SA isang FB post ng anak ng pinatay na pulis sa National Capital Region Police Office (NCRPO), nagbabala ito sa mga suspek sa karumal-dumal na pamamaslang sa kaniyang ama na si Police Executive Master Sergeant Emmanuel De Asis

Ayon sa anak na isa ring pulis, gagamitin aniya nito ang kaniyang nalalaman bilang isang Special Action member para tugisin ang iba pang sangkot o mga taong nasa likod ng pamamaslang na nauwi sa pagpipira-piraso sa katawan ng biktima.

Payo ngayon ng PNP sa anak ni De Asis.

‘’You have to understand ‘yung emotions nung anak dahil sabi ko nga malaman mo na pinatay ‘yung tatay mo at hindi lang basta pinatay ay pinagputol-putol pa ‘yung katawan, nilibing pa, talagang masakit but may mga interventions naman tayong ginagawa at opisyal naman ito, kapitan ito at assigned siya sa SAF ‘yung anak. So ang pakiusap natin nararamdaman natin may mga post siya masakit sa kalooban niya ito pero ang pakiusap natin pulis siya, let the PNP handle the investigation,’’ ayon kay PBGen. Jean Fajardo.

Ayon sa PNP, hindi dapat na ilagay sa kamay nito ang batas.

Tiniyak ng PNP na gagawin nila ang lahat para maibigay ang hustisya sa pamilya ni De Asis—kasabay ng pangako na hindi nila palalagpasin ang nangyaring krimen.

‘’Kung meron siyang maitutulong, sinasabi niya na trained siya, tulungan niya na mabigyan ng hustisya. Hindi niya pupuwedeng ilagay sa batas sa sarili niyang kamay. Alam natin na masakit ito sa kanya, sa pamilya but then again the PNP would like to assure the family of the dead policeman, we will give justice to their family at hindi natin ito itotolerate itong nangyari na ito,’’ saad ni Fajardo.

Kaugnay rito, sinisilip na rin sa imbestigasyon ang posibleng iba pang indibidwal na naging kasangkapan sa pamamaslang hanggang sa mailibing ang biktimang pulis.

Naniniwala kasi ang kaanak ni De Asis na hindi kakayanin nina Lt. Col. Roderick Pascua at asawang si Rosemarie Pascua na dalhin sa Baguio City para ilibing ang mga labi ng biktima na walang kinasangkapang iba pang tao.

‘’Doon mismo sa ancestral home.. tinitingnan natin during na inililibing ‘yung bangkay… na posibleng may iba pang tumulong ,’’ ani Fajardo.

Sa ngayon, nananatili ring palaisipan sa PNP na walang ni isa man lang sa tauhan ng PNP ang nakapansin sa pamamaril sa loob ng kampo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble