PINASISIBAK sa serbisyo si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr., intelligence officer ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG).
Batay ito sa rekomendasyon ng PNP Internal Affairs Service (IAS) kay PNP chief police General Rodolfo Azurin Jr.
Ayon kay PNP IAS Inspector General Attorney Alfegar Triambulo, lumabas sa kanilang imbestigasyon na guilty si Mayo sa grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.
Sinabi ni Triambulo na Enero 9 nang ipinadala nila ang nasabing rekomendasyon sa Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) at hinihintay na lamang ang desisyon ng PNP chief.
Nabatid na si Mayo ay nahuli sa operasyon ng pulisya sa Tondo, Manila noong nakaraang taon, kung saan nasabat ang P6.7-B halaga ng iligal na droga.