DUMALAW si PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa burol ng isa sa dalawang pulis na pinatay ng mga drug suspect sa Mabalacat City, Pampanga.
Si Police Senior Master Sergeant Sofronio Capitle Jr. ng Mabalacat City Police Station Drug Enforcement Unit ay nakaburol sa isang punerarya sa North Caloocan.
Siya ay ginawaran ni Azurin ng Medalya ng Kagalingan.
Nag-abot din ang Chief PNP ng financial assistance sa naiwang pamilya ni Capitle at tiniyak ang hustisya sa nasawing alagad ng batas.
Si Capitle kasama si Police Staff Sergeant Dominador Gacusan Jr. ay pinagbabaril ng mga suspek matapos magsagawa ng operasyon kontra iligal na droga.
Naaresto naman ang 3 suspek sa follow-up operation ng pulisya.