Pulis, nakapatay ng sibilyan at kabaro nito sa North Cotabato; Pulis, positibo rin sa droga

Pulis, nakapatay ng sibilyan at kabaro nito sa North Cotabato; Pulis, positibo rin sa droga

ISANG pulis ang namaril sa isang pasahero ng bus sa Makilala, North Cotabato at kalaunay namaril din ng dalawang kabaro nito sa New Opon, Magsaysay, Davao del Sur, Disyembre 28, 2024.

Sa gitna ng imbestigasyon, lumabas na nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga ang pulis na kinilalang si Cpl. Alfred Dawatan Sabas.

Isinagawa ang drug test sa Regional Forensic Unit 11.

Agad na sinampahan ng kasong double frustrated murder si Sabas sa pamamaril sa 2 kabaro nito habang kasong muder naman ang isinampa sa pulis-suspek dahil sa pagpatay sa sibilyan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter