ISANG truck at bus lulan ang mga pulis, nakaabang sa harapan ng Veterans Memorial Medical Center, Quezon City.
Bukod sa mga pulis, namataan din ang ilang miyembro ng SWAT Team na naka-stand by sa harapan ng VMMC.
Kasunod ito ng nangyaring pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa NAIA sa bisa umano ng arrest warrant mula sa ICC.
Isa ang VMMC sa posibleng pagdalhan sa dating presidente.
Follow SMNI News on Rumble