MAYROON nang 4 na persons of interest ang binuong Special Investigation Task Group (SITG) sa pamamaril kay Infanta, Quezon Mayor Filipina Grace America.
Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, nakakolekta ang mga imbestigador ng mahahalagang ebidensya tulad ng mga kuha ng closed-circuit television (CCTV) na nagpapakita ng mga posibleng suspek sa paligid ng pinangyarihan ng krimen.
Nagsagawa na ng cross matching examination ang Regional Forensic Unit 4A sa mga nakuhang ebidensya.
Sinisilip na rin kung may kinalaman sa pulitika ang nangyaring pamamaril lalo’t re-electionist ang biktima.
Bago ang pamamaril, inamin ng alkalde na nakatatanggap ito ng death threats lalo’t tinututulan nito ang quarrying sa bayan.