INATASAN ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar ang pulisya sa Hilagang Luzon na maghanda sa Bagyong Kiko.
Ito ay kasunod ng babala sa inaasahang matinding pag-ulan dulot ng sama ng panahon.
Ayon kay Eleazar, pinahahanda na niya ang assets ng pulisya kabilang ang mga truck at iba pang sasakyan sakaling magpatupad ng preemptive evacuation.
Maliban dito, pinatutulong din ng Chief PNP ang pulisya sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Jolina.
Inaasahan naman ni Eleazar ang mga isusumiteng report kaugnay ng mga tauhan nilang naapektuhan ng Bagyong Jolina gayundin ang damage assessment sa mga police station at iba pang PNP infrastructures upang agad na maipaayos ito.
Posibleng maging super typhoon
Posibleng maging supertyphoon ang Bagyong Kiko sa mga susunod na araw at posible itong tatama sa bahagi ng Babuyan Islands o sa Cagayan sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.
Ito ang sinabi ng pagasa habang patuloy naman ang pagkilos ng Bagyong Jolina palabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
BASAHIN: Jolina, nagdulot ng pagbaha sa Zapote, Las Piñas
Mararanasan naman ng ilang bahaging bansa ang habagat partikular na sa MIMAROPA, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
Sa ngayon nakataas pa rinsa Signal Number 1 ang eastern portion ng Cagayan, at ang northeastern portion ng Isabela.