HINDI nasawi dahil sa African Swine Fever (ASF) ang lima sa 41 baboy na kasali sa ASF vaccination trial sa Lobo, Batangas.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), may mga pulmonary disease ang mga ito bago pa man ang bakunahan.
Sa katunayan, bilang requirement na rin sa vaccination, negatibo ang mga ito sa ASF batay sa pahayag ni DA Asec. Arnel de Mesa.
Matatandaang noong Agosto 30 sinimulan ng DA ang bakunahan kontra ASF sa mga baboy sa Lobo.