Pulong kaugnay sa unified legal aid service ng Pilipinas at Australia, naging matagumpay—SC

Pulong kaugnay sa unified legal aid service ng Pilipinas at Australia, naging matagumpay—SC

IBINIDA ng Korte Suprema na naging matagumpay ang idinaos na ika-tatlong bahagi ng Unified Legal Aid Service Regional Consultations (ULAS) na ginanap sa Ateneo Law School, Makati City.

Ito ay pinangunahan mismo ni Chief Justice Alexander Gesmundo at anim na mahistrado ng Korte Suprema, kasama ang mga miyembro ng Technical Working Group; Ateneo Law School Dean Jose Maria Hofileña; Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma, Jr.;

Dr. Moya Collett na Deputy Head of Mission ng Australian Government; mga taga Department of Foreign Affairs and Trade, at iba pa.

Maging ang mga abogado mula sa National Capital Region at iba pang sektor ay nakibahagi rin sa mga talakayan sa breakout session.

Layunin ng ULAS regional consultations ang pagkilala ng korte sa kahalagahan ng pagpapatibay ng paggawa ng mga desisyon; diskarte sa mga panuntunan para sa pagkamit ng pag-access sa pantay-pantay na hustisya sa karapatang pantao at pangangailangang panlipunan sa hanay ng marginalized sector o mga taong mahihirap.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble