INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ang kaniyang pakikipagpulong kay US Vice President Kamala Harris ay nakasentro sa assessment ng Pilipinas sa sitwasyon sa West Philippines Sea (WPS).
Sa isang video message, sinabi ni Pangulong Marcos na nakipagpulong siya kay Vice-President Kamala Harris bago magsimula ang kumperensiya ng APEC.
Ani Pangulong Marcos, interesado si Harris na malaman kung ano ang assessment sa sitwasyon sa WPS.
“We had a meeting with Vice-President Kamala Harris before the beginning of the APEC conference and we just generally chatted about — she was very interested to know what our assessment was on the situation in the West Philippines Sea, and I just went through the narrative of what was — what had happened in the past few months,” saad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na patuloy na sinisikap ng Pilipinas na mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon sa tulong ng Philippine Coast Guard, militar ng Pilipinas, at ng buong pamahalaan.
“We will put together the ways forward because we are continuously trying to maintain the peace. And now that’s what I see the mission of the Philippines, the Philippine Coast Guard, the Philippine military, our fishermen, all of us. It is our basic fundamental mission here — is to maintain the peace,” dagdag ni Pangulong Marcos.
Sinabi ni Pangulong Marcos na kukunin niya ang pananaw ni Chinese President Xi Jinpinn sa pagpupulong at tatalakayin kung ano ang maaaring gawin upang hindi tumindi ang tensiyon sa WPS.
Sa pakikipagpulong ng Pangulo kay Harris, muling pinagtibay ng dalawang lider ang lakas ng alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos at muling iginiit ang kanilang shared commitments na itaguyod ang mga internasyonal na alituntunin at pamantayan, kabilang ang South China Sea.
Kasama rin sa napag-usapan ng dalawang lider ang patungkol sa usapin ng seguridad at economic growth pati ang pagtataguyod ng human at labor rights.
Ang naturang pagkikita nina VP Harris at Pangulong Marcos ay ang ikalimang pagpupulong sa pagitan ng dalawang lider.
Matatandaang nagkita sina Harris at Marcos nang bumisita ang US VP sa Maynila noong Nobyembre 2022; noong Mayo 2023 din sa Naval Observatory; sa isang bilateral meeting sa sidelines ng East Asia Summit sa Jakarta noong Setyembre 2023; at isang trilateral meeting kasama si Japan Prime Minister Kishida sa Jakarta noong Setyembre 2023.