HUMILING ng panibagong trial ang dating police officer ng Minneapolis na si Derek Chauvin sa kasong pagpatay kay George Floyd.
Ito ay matapos ang dalawang linggo na hinatulan itong guilty ng korte dahil sa kasong pagpatay sa Black Aamerican na si George Floyd noong Mayo 25, 2020.
Sa serye ng mosyon na inihain ni Attorney Eric Nelson, hindi aniya nagkaroon ng “fair” trial ang kanyang kliyente.
Matatandaan na sa isinagawang trial noong Abril abente, hinatulang guilty ng 12-member jury ang 45-anyos na si Chauvin matapos ang tatlong linggong testimonya ng apatnapu’t limang testigo sa kaso kasama dito ang bystanders, police officials, at medical experts.
Ang mga kasong ipinataw kay Chauvin ay second-degree unintentional murder, third-degree murder at second-degree manslaughter.
Ang naturang insidente ng pagkakapatay kay Floyd ang dahilan ng malawakang “Black Lives Matter” protest hindi lang sa Amerika kundi maging sa iba’t ibang bansa.