Ayon sa Department of Health (DOH), hindi na kailangan ng senior citizens ang purchase booklet upang makakuha ng diskuwento sa pagbili ng gamot.
HINDI na kailangan ng senior citizens ang ang purchase booklet para makakuha ng diskuwento sa pagbili ng gamot, ayon sa Department of Health (DOH).
“Kailangan ng mga nakatatanda ang diskuwento sa kanilang mga gamot, at dapat madali nating makuha iyon,” saad ni Herbosa sa isang media release ngayong Lunes, Dec. 23.
Matapos mag-sign ni Health Sec.Ted Herbosa ng AO No. 2024-0017, tinanggal na ang requirement na purchase booklet. Ayon sa RA 9994, valid ID at reseta na lang ang kailangan para sa senior citizen discount.