Putin, nangakong mas aatakehin pa ang mga energy infrastructure ng Ukraine

Putin, nangakong mas aatakehin pa ang mga energy infrastructure ng Ukraine

NAGBITIW ng pangako si Russian President Vladimir Putin na patuloy nitong aatekehin ang energy grid ng Ukraine sa kabila ng pagprotesta laban sa sunud-sunod nitong pag-atake na nagresulta sa paghihirap ng milyun-milyong Ukrainian sa kalagitnaan ng winter season.

Sa halip ay sinisi nito ang Ukraine dahil sa pag-atake sa mga civilian infrastructure at ang pagpapasabog umano nito sa key bridge sa pagitan ng Russian Mainland at Annexed Crimean Peninsula.

Ilang linggo nang inaatake ng Russian missle ang mga key infrastructure ng Ukraine na nagpahirap sa mga Ukrainians na nagkukulang na sa tubig, init at gas.

Follow SMNI NEWS in Twitter