HINIMOK ng isang transport group ang pamahalaan na mas dalian ang requirements nito para mailabas ang fuel subsidy.
Matatandaan na napilitan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na itigil ang distribusyon ng tulong pinansyal dahil sa Public Spending Ban ng Commission on Elections (COMELEC).
Inaasahang malalaman kung may exception ng COMELEC ang LTFRB sa Huwebes o bukas, Abril 7.
Sinabi ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) na ang suspensyon ng pamamahagi ng subsidiya ay higit na makakaapekto sa mga driver nito.
Aniya, marami sa mga miyembro ng kanilang grupo ay kailangan pang hintayin ang higit na kailangang tulong mula sa pamahalaan sa kalagitnaan ng mataas na presyo ng petrolyo.
Ayon kay FEJODAP President Ricardo Rebaño, bagaman naiintindihan nila na parte ito ng proseso ay umaasa sila na mas dadalian ng pamahalaan ang requirements para maipamahagi ang ayuda ng mga ito.