PUV Modernization, ipagpapatuloy kahit may resolusyon ang Senado na ihinto ito—DOTr

PUV Modernization, ipagpapatuloy kahit may resolusyon ang Senado na ihinto ito—DOTr

MAGPAPATULOY ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) sa kabila ng resolusyon ng Senado na temporaryo muna itong isuspinde.

Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Usec. Jesus Ortega, ipinag-utos sa kanila ni Bongbong Marcos Jr. na ipatupad ito kung kaya’t ito ang kanilang susundin.

Sa hiwalay pa na pahayag ni DOTr Sec. Jaime Bautista, magugulo lang aniya ang serbisyo na inaasahan sa mga naka-depende rito.

Masisira lang din aniya ang usad ng programa at ugnayan nila sa pagitan ng transport stakeholders na naka-consolidate na.

Sa panig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), mahihinto lang anila ang PUVMP kung ipag-utos ni Marcos Jr.

Magugunitang suportado ngayon ng 22 na senador ang isang resolusyon hinggil sa temporaryong pagpapasuspinde sa implementasyon ng PUVMP.

Ito’y para matalakay pa at matugunan anila ang mga isyu na ipinapaabot ng mga transport group.

Naniniwala ang mga senador na bigong maipaliwanag nang maayos ang programa sa drivers, operators, at transport groups lalong-lalo na ang tungkol sa pagbili ng modern PUvs na nangangailangan ng malaking pondo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble