Puwede rin pa lang managinip kahit na sinisikil ang ating kalayaan; Tulungan natin si Pastor ACQ—Prof. Malou Tiquia

Puwede rin pa lang managinip kahit na sinisikil ang ating kalayaan; Tulungan natin si Pastor ACQ—Prof. Malou Tiquia

MARIING sinabi ng political strategist na si Prof. Malou Tiquia na puwede rin pa lang managinip kahit na sinisikil ang ating kalayaan kasabay ng panawagan sa taumbayan na tulungan ang kandidatura ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Spiritual Leader na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ayon kay Prof. Tiquia, nakita na niya ang mga panukalang batas na isusulong ni Pastor ACQ sakaling manalo ito bilang senador sa 2025 midterm elections.

Matatandaan na kasalukuyang nakapiit ang Butihing Pastor dahil sa panggigipit dulot ng pagiging malapit na kaibigan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Bago pa nito, unang ginipit ang kaniyang kongregasyon—ang KOJC, nang dalawang beses na nilusob ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang headquarters sa Davao City at nanatili pa sa loob ng 16 na araw.

Bukod pa rito, nauna nang pinababawi ng Kamara ng prangkisa ang kanilang news organization na Sonshine Media Network International (SMNI) na bagamat hindi natanggalan ng prangkisa ay napipigilan pa rin ang malawakang pagbo-broadcast dahil sa ipinataw na indefinite suspension ng National Telecommunications Commission (NTC).

Gayunman, binigyang-diin ni Tiquia na may dahilan ang lahat ng ginawang panggigipit sa SMNI, KOJC, at Pastor Quiboloy.

Pinuri naman ni Tiquia ang SMNI dahil dito lang aniya niya nasasabi ang mga nais niyang sabihin sa gobyerno nang malaya.

Sa gitna ng lahat ng pagsubok sa nakalipas na taong 2024, tanging pinaghuhugutan ng lakas ng SMNI, KOJC at maging ng mga Pilipinong naniniwalang matatapos din ang lahat ng inhustisya, kawalan ng katarungan, korapsiyon, at katiwalian sa bansa ang salitang binitawan ni Pastor Apollo na ‘Tatag Lang’.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter