NASA mahigit isanlibo na lang ang natitirang puwersa ng rebeldeng grupong New People’s Army sa buong bansa.
Ito ang sinabi ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr.
Aniya, malaking dagok sa mga teroristang grupo ang pagkakanutralisa ng mahigit sa 400 miyembro at tagasuporta nito mula noong Enero hanggang Marso ngayong taon.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Torres na wala nang aktibong guerrilla front ng NPA habang nasa 11 na lang ang humihinang puwersa nito.
Mula sa 11 ay magiging walo na lang ito dahil malapit nang ideklara ang tuluyang pagkabuwag ng dalawang guerrilla front nito sa Visayas at Mindanao.
Matatandaan na kamakailan lang ay idineklarang insurgency-free na ang Ilocos, Zamboanga Peninsula, Davao Region, at Surigao del Norte.