Puwersang militar, nanatili sa pagwasak ng insurhensiya sa Negros Occidental

Puwersang militar, nanatili sa pagwasak ng insurhensiya sa Negros Occidental

TINATAMASANG tagumpay ng puwersa ng gobyerno laban sa teroristang komunistang grupong Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa lalawigan ng Negros Occidental ay mas lumakas pa.

Ito ay sa tulong ng mga dating miyembro at tagasuporta ng makakaliwang grupo sa tuluyang pagsupil sa insurhensiya ng bansa.

 “Tayo ay nagtatagumpay, we are on the right track para sa pagsupil and ending local communist armed conflict dito sa area ng Negros,” ayon kay BGen. Orlando Edralin (MNSA) PA, Commander, 303rd Infantry brigade, 3rd Infantry Division, PA.

Ito ang sinabi ni BGen. Orlando Edralin, Commander ng 303rd Infantry Brigade ng Philippine Army (PA) sa panayam ng SMNI News sa kung ano ang pananaw nito sa laban ng gobyerno kontra insurhensiya.

Ito ay matapos mapaslang sa engkuwentro ang isa sa mataas na opisyal ng terroristang grupong New People’s Army (NPA) na kinilalang si Rogelio Posadas alyas ‘Putin.’

Si Posadas ay kilalang secretary ng CPP-NPA Regional Committee na may patong-patong na kaso kabilang na ang murder, multiple murder, homicide, robbery, theft, at iba pang kriminalidad.

Matatandaang naiulat nitong Abril 20 ang engkuwentrong naganap sa Binagbagan, Negros Occidental na tumagal ng 10 minuto na naging sanhi ng pagkamatay ng nasabing terorista.

Ayon kay Edralin, malaking kawalan sa komunistang teroristang grupo hindi lang ang pagkakapatay kay Posadas kundi pati na rin ang sunud-sunod na pagsuko ng mga dating sumusuporta at mga miyembro ng teroristang grupo.

 “Yung pagkamatay nitong si Rogelio Posadas ay isang napakalaking dagok para sa kanilang organisasyon at nakikita natin hindi lang itong neutralization na to, but yung pagdagsa ng mga nagsu-surrender na mga kasamahan nila na patuloy na nakikipagtulungan at nakikinig sa programa ng ating gobyerno para sila ay makatulong na rin para sa ating continuing development at saka peace building dito sa area ng Negros,” dagdag ni BGen. Edralin Orlando.

Sa huli, binigyang katiyakan ni BGen. Edralin na makakaasa ang mamamayan na ang kasundaluhan ay nariyan at laging handa lalo na sa panahon ng pangangailangan.

 “Ang inyong kasundaluhan ay nakahandang maglingkod saan man, kailanman para sa proteksiyon ng ating mga mamamayan at ng ating komunidad. Makakaasa po kayo sa aming serbisyo bente-kwatro oras,” ani BGen. Edralin Orlando.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter