PVL Invitational Conference, inilipat sa Hulyo 9

PVL Invitational Conference, inilipat sa Hulyo 9

ILILIPAT ng Premier Volleyball League (PVL) sa ibang petsa ang kanilang Invitational Conference na nakatakda sanang isagawa sa Hulyo 2.

Sa Twitter post ng PVL, sa Hulyo 9 na ang bagong schedule nito dahil na rin sa kahilingan ng PVL teams.

Hindi naman ibinahagi sa post kung ano ang rason ng pagpapaliban ng naunang schedule.

Hinggil sa Invitational Conference ng PVL, 7 local clubs at 2 foreign teams ang sasali sa semifinals ng tournament.

Ang 7 mula sa local teams ay ang Creamline Cool Smashers, Petro Gazz, Cherry Tiggo, Cignal, Choco Mucho, Army Black Mamba, at PLDT.

Ang 2 foreign teams ay ang Kobe Shinhwa Women’s University at Kingwhale Taipei.

Follow SMNI NEWS in Twitter