PVL On Tour, babalik na sa Candon City, Ilocos Sur

PVL On Tour, babalik na sa Candon City, Ilocos Sur

HANDA na ang Candon City, Ilocos Sur para sa pagbabalik ng PVL On Tour sa Hulyo 29, tampok ang dalawang matitinding laban sa Candon City Arena.

Bida sa gabi ang sagupaan ng Petro Gazz Angels at Choco Mucho Flying Titans, dalawang powerhouse teams na parehong target ang kampeonato. Wala pang talo ang Angels sa Candon, matapos ang dominanteng panalo kontra Nxled at Farm Fresh noong 2023 at 2024.

Unang laro sa double-header ang Chery Tiggo vs Capital1 na susundan ng laban ng Petro Gazz at Choco Mucho.

Bago nito, parehong dadaan sa tune-up games ang Angels at Flying Titans laban sa Farm Fresh at PLDT sa Ilagan City sa Hulyo 12 at 13.

Sa pangunguna ni Mayor Eric Singson, puspusan ang paghahanda ng lungsod, na layong gawing tagumpay hindi lang ang event, kundi ang promosyon ng sports sa buong rehiyon.

Inaasahang magiging selebrasyon ng komunidad, palakasan, at volleyball ang buong araw ng Hulyo 29.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble