PAPAYAGAN na ang mga kasama ng mga indibidwal na may physical disability at restricted mobility na bumoto sa ‘emergency accessible polling places.’
Ito ang inanunsyo ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Aimee Ferolino matapos aprubahan ng En Banc ang karagdagang guidelines para sa pagsasagawa ng May 9 elections.
Dati, limitado lamang ang emergency accessible polling places sa person with disability.
Sa press briefing, sinabi ni Ferolino na kailangan ng mga PWD ang kanilang mga kasama upang matulungan sila sa pagboto lalo na sa mga may mobility issues na maaring mahirapan sa pag-fill out ng forms at balota.
Batay kay Ferolino, mahigit 11 milyong indibidwal sa vulnerable sector ang rehistradong bumoto sa May 9.
Partikular dito ang 511,612 PWDs, 10,085,956 seniors citizens; 60,848 Persons Deprived of Liberty (PDLs) at 666,308 Indigenous People.