PWDs, dapat bigyan ng prayoridad sa lahat ng establishments—DOJ

PWDs, dapat bigyan ng prayoridad sa lahat ng establishments—DOJ

DAPAT bigyan ng prayoridad sa lahat ng establishments ang physically-challenged individuals o persons with disabilities (PWDs).

Batay ito sa legal opinion na inilabas ng Department of Justice (DOJ) noong Setyembre 19, 2024.

Nag-ugat ito nang mayroong magreklamo na isang PWD noong buwan ng Marso dahil sa kawalan ng express lanes sa naging ticket selling para sa isang concert.

Sa panig ng mall company, maaari namang bumili ang PWDs ng ticket via online o kaya’y magpadala ng representative para bumili ng ticket.

Nais din anila na maipatupad ang patas na pagbebenta ng tickets sa lahat ng buyers.

Subalit sa kabila nito, nanindigan ang DOJ na magkaroon ng express lanes para sa PWDs sa lahat ng commercial at government establishments.

Kung wala mang express lanes, dapat pa ring bigyan priority ayon sa DOJ ang mga PWD sa lahat ng mga transaksiyon nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble