Pwersahang pagwasak sa gate ng KOJC Compound sa Glory Mountain, nakuhanan ng CCTV

Pwersahang pagwasak sa gate ng KOJC Compound sa Glory Mountain, nakuhanan ng CCTV

NAKUHANAN ng CCTV ang pwersahang pagwasak sa gate ng KOJC Compound sa Glory Mountain.

Hindi man lang hinintay ng mga naka-full gear na CIDG at SAF Troopers ang mga KOJC legal counsel bago lumusob sa makalangit na santuwaryo ng Kingdom na matatagpuan sa Mt. Apo, Davao City.

2 katutubong manggagawa ng Kingdom ang pinosasan ng otoridad dahil sa pagdadala ng ‘sundang’ o bolo na ginagamit sa pagtatrabaho.

May mga bata ring sinipa ang mga ito.

Sa kabila nito, walang search warrant na iprinisenta ang kapulisan.

Samantala, nagkaroon ng takot at pangamba ang mga batang menor de edad dahil sa nangyaring pang-aabuso, pananakot, at pananakit na ginawa ng mga nasa katungkulan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter