PYDP ng NYC, mas mapapaigting sa tulong ng SMNI at Keepers Club Int’l

PYDP ng NYC, mas mapapaigting sa tulong ng SMNI at Keepers Club Int’l

NANINIWALA si National Youth Commission Chair Ronald Cardema na mas mapapaigting pa ang mga programa para sa kabataan sa tulong ng SMNI at Keepers Club Int’l.

Positibo ang pananaw ni National Youth Commission Chairman Ronald Cardema na mas mapapaigting ang Philippine Youth Development Plan ng NYC kasunod  ng ugnayan sa pagitan ng SMNI at Keeper’s Club International.

Ang NYC ay bumuo ng Philippine Youth Development Plan 2017-2022 upang palawakin ang partisipasyon ng mga kabataan sa pagtataguyod ng bansa.

“Ang nakikita ko Pastor thru our partnership today, mas mapapaigting pa natin yung Youth Development Plan na yan. Mas makakapagpasok tayo ng mas magaganda at malakas na adbokasiya para sa nation-building, para sa pagpapalakas ng kalooban ng mga kabataang Pilipino para maging pag-asa ng bayan,” ayon kay Cardema.

Isa naman sa nais din isulong ng founder ng Keeper’s Club International ay ang partisipasyon ng mga kabataan sa pangagalaga ng ating kalikasan.

Kasama na rin natin dyan ang SPM na ang pakay ay makatulong sa nation building thru tree planting, paglilinis.

So kasali na yun sila sa ating tripartite group sa pagtulong number one to mitigate climate change

Samantala, nais din makipag-ugnayan ni NYC Chair Cardema sa Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) upang matugunan ang problema sa trabaho sa sektor ng kabataan.

Aniya makatutulong ito upang mahasa ang kakayahan ng mga kabataan at makahanap ng trabaho.

Follow SMNI NEWS in Twitter