Pyongyang, nagpakawala ng ICBM

Pyongyang, nagpakawala ng ICBM

MULING nagpakawala ng intercontinental ballistic missile (ICBM) ang Pyongyang ayon sa militar ng South Korea.

Kinumpirma ito ng Seoul joint chiefs of staff na nadetect nila ang hinihinalaang long-range ballistic missile bandang 10:15 na tumama sa dagat ng hilagang bahagi ng Hokkaido, Japan.

Sa inisyal na ulat, wala naman nakitang nasira sa mga sasakyang pandagat maging sa mga sasakyang panghimpapawid ng bansang Japan.

Inihayag naman ng Foreign Affairs Minister ng North Korea Choe Son Hui na kinokondena nila ang ginawang trilateral meeting ng US, South Korea at Japan kaugnay sa missile test ng Pyongyang.

Matatandaan na kahapon ay una nang nagpakawala ng short-range ballistic missile ang Pyongyang.

Follow SMNI NEWS in Twitter