Qantas at Airbus, mag-iinvest ng $200-M para sa sustainable aviation fuel industry

Qantas at Airbus, mag-iinvest ng $200-M para sa sustainable aviation fuel industry

MAG-IINVEST ang mga pangunahing airline sa Australia ng daan-daang dolyar para i-develop ang aviation fuel industry sa bansa.

Inihayag ng Qantas Airways at Airbus na mag-iinvest ito ng 200 milyong dolyar para paunlarin ang aviation fuels industry sa Australia.

Ang kasunduan ay inanunsyo sa sideline ng taunang pagpupulong ng IATA Qatar.

Ang pondo para sa kasunduang ito ay hahatiin sa pagitan ng Qantas at Airbus at magkakaroon din ng maliit na kontribusyon mula sa Raytheon Technologies

Ang hakbang na ito ay nakalinya sa target ng Qantas na gumamit ng 10% ng sustainable aviation fuel sa fuel mix nito sa taong 2030.

Matatandaan na hindi lamang Qantas kundi ang Global Airline Industry ay naglalayong maabot ang net zero emission sa taong 2050.

Follow SMNI NEWS in Twitter