NAGBABALA ang Qantas flight attendants na magsasagawa ng strike sa darating na Kapaskuhan.
Kasunod ito ng demand nito sa mataas na sahod at maayos na working conditions mula sa kumpanya.
Ayon sa Flight Attendants Association, ang 2 taong pay freeze na dahil sa COVID-19 pandemic ay nagdulot sa kanila ng maraming pagkakautang.
Ang desisyon na ito ay malaking babala naman sa darating na Christmas travel ng milyun-milyong Australians.
Samantala, wala namang anunsyo na isinagawa ang union ng mga manggagawa kung kailan ang strike na ito.
Ayon naman sa Qantas Airways, nakakadismaya ang hakbang na ito dahil mayroon na umanong negosasyon sa bagong kasunduan nito.