SINUSPINDE na ng Qatar ang kanilang pagiging mediator sa pagitan ng Hamas militant group ng Palestine at Israel.
Ito’y dahil mahina anila ang usad sa ninanais na cease-fire deal kaugnay sa Gaza War.
Ang Hamas political office rin doon ay ipapabakante na ng Qatar kung ayaw naman ng militant group na magkaroon ng seryosong negosasyon.
Sa kabila nito, handa pa rin ang Qatar na maging mediator o tagapamagitan kung handa at willing ang Israel at Hamas na ihinto na ang Gaza War.