KAMAKAILAN lang ay personal na namigay si Councilor Candy Medina ng COVID-19 supply kits sa mga residente ng mga barangay ng Quezon City.
Kabilang dito ang Barangay Holy Spirit, Batasan Hills, Payatas, Barangay Silangan, at Barangay Commonwealth.
Nabiyayaan ng mga supply kits ang Oriole Neighborhood Association and Youth Organization, maging ang mga residente ng Barangay Holy Spirit.
Laman ng mga supply kits ay alcohol, toothpaste, toothbrush, soap, face towels, nail cutter, comb, face masks, at face shields.
Layunin ng “Care Para sa Masa” program na makapagbigay ng mga pangunahing hygiene supplies sa mga mamamayan ng Quezon City upang palakasin ang kahalagahan ng pagpapanatili sa personal na kalinisan at proteksyon mula sa coronavirus.
Madiin namang pinaalalahan ni Medina ang mga residente matapos ang patuloy na pag-akyat ng bilang ng mga lokal na nagpositibo sa COVID-19.
“While the country bears witness to the initial roll out of vaccines, the threat of COVID-19 is still very real,” pahayag ni Medina.
“We are now into the homestretch of getting the proper medication and protection against the deadly disease so let us not be too complacent. Laban lang, Quezon City!” dagdag ni Medina.
Payo ni Medina, iwasang lumabas ng bahay upang maiwasan na mahawaan ng nakamamatay na sakit.
“Konting tiis na lang muna po para sa ating mga kababayan at ka-distrito. Tulong-tulong po tayo dito sa pagsugpo sa krisis ng ating bansa upang mapabilis ang pagbaba ng bilang ng COVID-19. Magtulungan po tayong lahat at sumunod sa lahat ng safety protocols para labanan ang pandemyang ating kinahaharap,” paliwanag ni Medina.
Kamakailan lang din ay ipinasa ng Chairman of the Committee on Tourism, Cultural Affairs and Heritage of the 21st City Council ang isang ordinansa na nagdedeklara sa ikatlong linggo ng Marso bilang “Hygiene and Sanitation” Week.
“Indeed this measure is not just to commemorate a year that challenged our Health Care System but also on how we find ways to adopt and prevent its impact to Quezon City citizens in teaching every individuals a lesson that each of us can be a victim of the dreaded virus regardless of our age, race, religious belief and social stature,” ayon kay Medina.