NAGSAGAWA ang Disease Surveillance Officers at Sanitation Inspectors ng Quezon City Health Department ng mga pangunahing hakbang upang mapuksa at pigilan ang pagkalat ng sakit na dengue sa District 5.
Nagsagawa rin ng Dengue Case Investigation sa Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches at Gulod ang Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance upang mas mabantayan ang bilang ng kaso ng dengue at hindi na ito tuluyang tumaas pa.
Para mas maging ligtas ang komunidad ay nagsagawa rin ng spraying at clean up drive ang Quezon City Sanitation Division upang hindi dumami pa ang mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue at mas mapigilan ang pagtaas ng kaso nito.
Kung sakaling makaranas ng sintomas ng dengue ay maaaring magtungo lamang sa pinakamalapit na health center.