QC govt, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng mga tablet armchair sa mga pampublikong high school sa lungsod

QC govt, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng mga tablet armchair sa mga pampublikong high school sa lungsod

TULOY-tuloy ang paghahatid ng Quezon City government ng mga tablet armchair sa mga pampublikong high school sa lungsod.

Ito ay bilang suporta ng city government ngayong balik-eskwela.

Kaninang, umabot sa 1,000 tablet armchairs ang nai-deliver sa Culiat High School at Novaliches High School.

Aabot naman sa 17,000 na paunang tablet armchairs ang nakatakdang ibigay ng lokal na pamahalaan sa 21 public secondary schools sa mga susunod na araw upang masigurong komportable ang mga estudyante habang nag-aaral.

Bukod dito, patuloy na nakikipag-ugnayan ang pamahalaang lungsod sa Schools Division Office upang alamin kung anu-ano pa ang mga maaaring suporta na maibigay sa QC upang tiyaking maayos ang mga classroom at pasilidad tungo sa dekalidad na edukasyon ng mga kabataang QCitizen.

Follow SMNI NEWS in Twitter