NAGBIGAY ng abiso sa kanilang Facebook page ang Quezon City local government na magpapatupad ito ng bagong traffic scheme sa Elliptical Road.
Ito ay upang maisaayos ang daloy ng trapiko sa naturang kalsada katuwang ang Department of Transportation (DOTr).
Sa ilalim ng bagong traffic scheme, ihahanay ang mga lane ng Elliptical Road kung saan may intersection.
Layunin nito na maiwasan ang pag-eembudo ng sasakyan tuwing rush hour.
Nakatakdang susubukan ang nasabing makabagong traffic scheme ngayong darating na Sabado, Oktubre 22.
Magsisimula ito ng alas otso ng umaga at asahan ang dry run sa mga panulukan mula sa Elliptical Road patungong Visayas Avenue at Elliptical Road patungong North Avenue.
Pinaalalahanan naman ang mga motorista na asahan ang pagbabago sa daloy ng trapiko dulot ng temporary intersection islands na gawa sa plastic barriers at bollards.
Inaabisuhan ang mga motorista na liliko pakanan na manatili sa kanan na lane papunta sa kanilang exit sa Elliptical Road.
Sundin lamang ang mga Traffic Enforcers ng Quezon City Transport and Traffic Management Department at ang mga nakalatag na traffic signages upang hindi maabala sa biyahe.
MGA KAUGNAY NA BALITA:
QC, nagpasalamat sa COA matapos kilalaning pinakamayamang siyudad sa bansa
QC LGU’s ginawaran ng Plaque of Recognition