FULL support ang Quezon City Local Government Units (QC LGUs) sa Zero Waste Management Program na opisyal nang inilunsad ng Megaworld Corporation.
Layunin nito na mapaigting ang waste management at sustainable practices sa Eastwood City.
Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang mga best practice ng lungsod ukol sa pagsulong ng circular economy upang mabawasan ang masamang epekto ng climate change.
Ayon pa sa alkalde, buo ang suporta ng QC government sa mga inisyatibo ng pribadong sektor tungo sa pangangalaga sa kalikasan.
Katuwang sa launching ceremony sina Eastwood City Head of Estate Management Mr. Anton Calugay, Megaworld, at Global-Estate Resorts, Inc. executives.
Nakiisa sa programa ang ilang konsehal ng lungsod at Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) Head Ms. Andrea Villaroman, at Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Ms. Margie Santos.