QC LGUs, hinikayat ang QCitizens na makisaya sa Chinese New Year celebration sa Banawe

QC LGUs, hinikayat ang QCitizens na makisaya sa Chinese New Year celebration sa Banawe

IBINIDA ng Quezon City sa ginanap na press conference kahapon Pebrero 7 sa pangunguna nina District 1 Rep. Arjo Atayde at Coun. Dave Valmocina ang mga programa na dapat abangan sa Banawe, mula Pebrero 9-11, 2024.

Hinikayat din ng QC LGU ang QCitizens na dumalo sa tatlong araw na selebrasyon ng Chinese New Year sa Banaue, Quezon City.

Ipinahayag din nina QC Department of Tourism (DOT) OIC Tetta Tirona, Business Permit and Licensing Department Head Margarita Santos, Department of Transport and Traffic Management Head Dexter Cardenas, QC Police District Director PBGen. Redrico Maranan, at Department of Public Affairs and Information Services Head Bert Apostol kung paano pinaghahandaan ng lokal na pamahalaan ang nasabing selebrasyon.

Binanggit naman nina QC Chinatown Development Foundation Inc. Chairman Mr. Charles Chen, Quezon City Association of Filipino-Chinese Businessmen, Inc. (QCAFCBI) President Mr. Joaquin Co, QCAFCBI Immediate Former President Mr. Joseph Lim Bon Huan, at kinatawan ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCI) Mr. Wilson Flores ang preparasyon ng mga negosyo sa lugar ng Banaue.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble