QC LGUs namahagi ng bike sa 1,000 siklista ng lungsod

QC LGUs namahagi ng bike sa 1,000 siklista ng lungsod

MAAGANG namahagi ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng mga bike essentials at accessories para sa 1,000 siklista bilang bahagi ng selebrasyon ng Quezon City Bike to Work Day.

Pinangunahan ng Department of Public Order and Safety – Green Transport Division ang pamamahagi ng helmet, bike lights, lock, water tumbler, tote bags, at hot meals para sa mga biker.

Suportado ni Mayor Joy Belmonte ang active mobility at pagbibisekleta sa buong Quezon City.

Patuloy rin ang pagpapalawig ng QC Bike Lane Network na nasa 173-kilometers na at may protected bike lanes.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble