QC LGU’s Service Caravan Commonwealth, nagkaisa sa pagbibigay serbisyo sa QC

QC LGU’s Service Caravan Commonwealth, nagkaisa sa pagbibigay serbisyo sa QC

NAGTULONG-tulong ang iba’t ibang departamento ng Quezon City LGU’s sa isinagawa ngayong araw na 2nd trip ng QC Services Caravan sa Commonwealth sa Abris Covered Court.

Libu-libong QCitizens ang nakiisa at nag-avail ng iba’t ibang serbisyo at programa ng lungsod mula sa mga sumusunod na opisina:

City Civil Registry Office (CCRD)

Department of Building Official (DBO)

City Health Department (CHD)

Public Employment Services Office (PESO)

City Veterinary Department (CVD)

Quezon City Youth Development Office (QCYDO)

Persons with Disability Affairs Office (PDAO)

Office for Senior Citizens’ Affairs (OSCA)

Social Services and Development Department (SSDD)

Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD)

Office of the Vice Mayor (OVM)

Nagbigay rin ng serbisyo ang Bureau of Fire Protection ng Quezon City sa pamamagitan ng kanilang medical team.

Nagsagawa naman ng libreng gupit ang opisina ni Councilor Candy Medina at tumulong sa pagproseso ng mga dokumento ng mga solo parents ang opisina ni Councilor Kate Coseteng.

Ang QC Services Caravan ay programa ni QC Mayor Joy Belmonte upang mailapit at mapabilis ang pagbibigay serbisyo ng lungsod sa mga QCitizens sa pamamagitan ng District 2 Action Center.

 

Follow SMNI News on Twitter