QC LGU, sinaluduhan ang pamunuan ng QCPD dahil sa dedikasyon sa kanilang trabaho

QC LGU, sinaluduhan ang pamunuan ng QCPD dahil sa dedikasyon sa kanilang trabaho

SINALUDUHAN ng QC LGU ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa kanilang mga dedikasyon sa pagsugpo sa mga kriminalidad, at pangangalaga sa mga QCitizens ng lungsod.

Kaya naman bilang paggunita sa 29th PNP Ethics Day, pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at QC Police District Director PB Gen. Nicolas D. Torre III ang unang flag-raising ceremony ng QCPD.

Kinilala rin ng LGU’S at QCPD ang mga natatanging uniformed personnel na nagpakita ng kanilang katapangan sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Pinarangalan ng Medalya ng Katangi-tanging Asal mula QCPD si Mr. John Dale Salazar, isang delivery rider na tumulong sa mga operatiba ng kapulisan at nasawi sa isang engkwentro noong December 24, 2022 na siya naman nagdulot ng pag-aresto sa suspek.

Tinanggap ito ng kanyang maybahay na si Mrs. Glaiza Salazar at kanilang pamilya.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, patuloy na makikipagtulungan ang pamahalaang lungsod sa pulisya upang mapanatili ang kaayusan sa Quezon City.

Follow SMNI NEWS in Twitter