QC Mayor Belmonte, nakipagpulong sa konseho Brgy. Kristong Hari

QC Mayor Belmonte, nakipagpulong sa konseho Brgy. Kristong Hari

UPANG matugunan ang mga problema sa barangay, nakipagpulong si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa konseho ng Brgy. Kristong Hari upang alamin ang mga suliranin at mga pangangailangan ng kanilang komunidad.

Inihayag ni Kristong Hari Chairperson Jorge Hablo, kabilang dito ang pagko-convert ng idle land sa urban farm, at pagtatayo ng basketball court.

Agad naman itong tinugunan ng alkalde.

Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina City Assessor Atty. Sherry Gonzalvo, City Engineer Atty. Dale Perral, District 4 Action Officer Al Flores, at Ms. Cristina Perez ng Joy of Urban Farming.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble