QC mayoral candidate Mike Defensor, handang tulungan ang mga dating manggagawa ng ABS-CBN

QC mayoral candidate Mike Defensor, handang tulungan ang mga dating manggagawa ng ABS-CBN

BINIGYANG linaw ni Quezon City mayoral candidate Mike Defensor ang mga usapin hinggil sa kontrobersyal na pagpapasara sa ABS-CBN.

Sa one-on-one interview nito sa SMNI Exclusive kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy, ang Honorary Chairman ng SMNI, sinabi ni Defensor na maraming Pilipino ang hindi nakakaalam na paso na ang prangkisa ng ABS-CBN noong nagkaroon sila ng diskusyon sa Kongreso.

Taong 2014 pa aniya nakasalang sa Kongreso ang pag-renew sa prangkisa ng Kapamilya Network kung saan si Cong. Sonny Belmonte pa ang nakaupong House Speaker at si Noynoy Aquino pa ang pangulo ng bansa.

Sinabi rin nito na kung gusto talaga nilang bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN ay dapat ginawa na nila ito noong 2014.

Samantala, inihayag ni Defensor na nagpaabot ng pasasalamat ang mga dating empleyado ng ABS-CBN at sinabing naiintindihan nila ang trabaho nila sa Kongreso.

Dapat lang din anila na maitama ang mga paglabag ng ABS-CBN.

Sakali namang papalarin ito ngayong eleksyon, sinabi ni Mike Defensor na kanyang tutulungan ang mga dating empleyado ng ABS-CBN na nasa Lamesa Dam.

BASAHIN: Mike Defensor, hinikayat ang Malakanyang na bigyan ng PSG si BBM

Follow SMNI NEWS in Twitter